Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Metro

Colorum delivery truck , huhulihin ng LTFRB

NI Alex dela CruzOctober 15, 20261 min read3 views2 days ago
Colorum delivery truck , huhulihin ng LTFRB

MANILA —PAPAIGTINGIN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon laban sa mga pribadong truck at van na ginagamit sa bayarang delivery at logistics services para sa online shopping platforms nang walang kaukulang permit.

Ayon kay LTFRB Acting Chairman Atty. Greg G. Pua Jr., kukumpiskahin ang mga mahuhuling sasakyan at pagmumultahin ng hanggang ₱200,000 kada unit alinsunod sa Joint Administrative Order No. 2014-01.

Inatasan na ang Law Enforcement Unit ng LTFRB na paigtingin ang anti-colorum operations sa buong bansa matapos makumpirma sa imbestigasyon ang ilegal na operasyon ng ilang pribadong sasakyan.

Bukod sa multa, maaaring makulong ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon o pagmultahin ng hanggang ₱2 milyon ang mga lalabag sa mga kaugnay na probisyon ng Public Service Act.

Hinimok ni Pua ang mga operator na kumuha ng kinakailangang permit o itigil ang ilegal na operasyon upang matiyak ang patas na kompetisyon at kaligtasan sa transportasyon.

Share:

Related Articles